Kontrobersyal at prominenteng abogado ipinaliwanag ang bagong strategy ni Kris: "The rule is still freedom of speech, even comments on de@d politicians" - News Galore

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Kontrobersyal at prominenteng abogado ipinaliwanag ang bagong strategy ni Kris: "The rule is still freedom of speech, even comments on de@d politicians"

Share This


Kris Aquino (left), Mocha Uson (right) photos from IG


Kasunod ng pagbuwelta ng Aktres na si Kris Aquino kay Mocha Uson na ngayon ay laging laman ng social media platforms, nag bigay naman ng paliwanag ang isang magaling at prominenteng abogado na si Atty. Trixie Angeles-Cruz sa kung saan maaring mapunta ang isyu ni Kris kay Mocha.

Ayon pa kay Atty. Trixie, maaring magkaroon ng kaso ang taong naninirang puri sa taong p*tay na, ngunit hindi umano kasama doon ang mga historical and political figures.

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Atty. Trixie na nagbibigay kaalaman din para sa lahat:

Let's break down the Aquino strategy today. Bakit tinitira ni Kris si Mocha? Is it really about her de@d parents?

Ganito po kasi yon, tutoong meron nga tayong kostumbre at batas kontra sa mga nagsasalita ng masama laban sa mga yuma0. Tutoo yan. PERO, does that apply to historical and political figures?

Tignan nyo nga kung paano okrayin si Emilio Aguinaldo. Si Ferdinand Marcos. Hindi sila exceptions. Ineexamine natin talaga ang buhay ng ating mga national politicians dahil bahagi sila ng kasaysayan ng bayan sa mabuti man o sa masama.

Tulad ng buhay na tao, may mga public figures din na p*tay na maaaring pagkumentuhan. Covered pa rin ito ng tinatawag na fair comment. Maari nating batikusin ang mga public figures dahil lumalabas sila at nagbibilad sa publiko. Kung baga, fair game sila. Kung naka display ka, pwede kang hangaan, pwede kang batikusin. Maari nating pag kumentuhan ang p*tay, lalo na't naging bahagi sila ng history natin kasi that is how studies will be made on them.

Imagine nyo lang if it wasn't possible to say anything bad about our historical figures, eh di uulit ulitin lang natin ang massamang ginawa kasi hindi natin mailalagay sa libro, or sa news o sa anumang pahayagan.*

The rule is still freedom of speech. Even when it comes to commenting on de@d politicians. Even de@d politicians with angry actress daughters


Kris Vs. Mocha

Matapos na mag post ni Kris ng kanyang reaksyon sa  social media, nag live pa ito sa Facebook at Instagram upang hamunin si Mocha.

Ani Kris, “crossing the line” na ang PCOO official at hindi na niya ito papalampasin pa.

Dagdag pa ni Kris, marami na siyang pinalampas sa ginawa ni Mocha na pambblahura umano ng huli sa pamilya Aquino, pero itong tungkol sa kanyang ama, hindi na niya maaring palampasin.

“Alam nyo po na yung pinagdaanan ko pinag-isipan ko talaga. Pinag-isipan ko bago mag-upload kasi higante naman yung binangga ko, eh at inaamin ko yon. Pero naramdaman ko talaga na ang nangyari was mom ko yon, dad ko yon at winawalang hiya na masyado ang alaala nila.”ayon kay Kris na bahagi ng kanyang live video.

"Eto, diretso po. Siguro may karapatan ako kasi ni minsan hindi ko binastos… wala akong binastos o masamang nasabi tungkol sa administrasyong Duterte. In fact, na-ba$h po ako ng mga dilawan nung nag-post ako ng picture namin at nung nagsabi ako na alam ko kung bakit siya nanalo. Hanggang ngayon hindi po ako nakikisawsaw sa pulitika.” Dagdag niya.*

“Pero yung ginawa mo, pinapangalan ko siya ngayon, ang tagal ko talagang tiniis na huwag siyang pangalanan but now pinapangalan ko si Asec Mocha Uson na sobra ka na, eh. Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo mahal na mahal ko.”

Ayon pa kay Kris, handa siyang makipag harapan kay Asec Mocha kahit anong oras at kahit saan.
“And ganito na lang ha, diretsahan na, babae sa babae, gusto mo ng kaaway – ako. I’m ready anytime, anywhere, harapan. Gusto mong debate? Keri. Gusto mong gawin natin yung eksena don sa Star Cinema movie nina Angel Locsin, you wanna do that scene with me? You want na ako ikaw at ikaw si Angel? Gawin natin para matigil ka na lang.” Sabi niya.

“Kasi  what you are doing to my parents, they do not deserve, okey. And people will tell me, why are you stooping down to her level, I’m doing this because I love my mom, I love my dad. And if I don’t do this now, I will hate myself. Ginagawa ko ‘to because I want my sons to see what I am willing to do for my mom and for my dad,”

Muli na naming hinamon ni Kris si Mocha, at sinabing kahit mag isa siya at isama ni Mocha ang knyang mga followers at taga suporta.*

“I am ready for you and this is a direct challenge to you. Face me. Face me anywhere! Name the place. Let’s carry it live, bring all your followers, I can stand alone. But stop it. Stop doing these to two people who have never hurt you. Hindi ka nila binastos dahil p*tay na sila.”

“So ako, ba!ahura din ako, eh. Ganyan ang labanan, eh. Kailangan ka talagang lumaban.” Dagdag pa ng Aktres.

Ipinaliwanag din ni Kris ang tungkol sa video ng kanyang ama noon na nahalikan ng dalawang babae bago bumaba ng eroplano at mabar*l.

“Yung dalawang babaing yon nahalikan siya bago siya bumaba at bago siya na as*assinate. Hindi mo alam yung sakit  na pinaramdam mo do’n sa post na yon kasi naisip ko sana nabigay yung karapatan na yon sa mom ko. My mom deserve that because my mom gave her entire life to my dad.” Sabi ni Kris.

“Isa pa. Isa pa na ba$tusin at babuyin mo ang tatay o ang nanay ko, magtutuos tayo!” ang naging babala ni Kris para kay Mocha.

Matapos kumalat ng video ni Kris para kay Mocha, samut-sari din ang naging reaksyon at pahayag ng mga netizens tungkol sa magkabilang panig.


Source: Facebook

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages